Epal, maarteng female singer ‘isinumpa’ ng show promoter | Bandera

Epal, maarteng female singer ‘isinumpa’ ng show promoter

Cristy Fermin - September 24, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

SA magkasunod na taon ay kinuha ng isang show promoter para mag-perform sa isang may kalayuang probinsiya sa South ang dalawang female singers.

Palaging pinaglalaban ang dalawang singers, parehong-pareho kasi ang kanilang atake, magkaparehong panahon din nang angkinin nila ang entablado dahil sa magaganda nilang kanta.

Si Female Singer A muna ang dinala ng promoter sa probinsiya, maganda ang feedback, umuwing masaya ang audience dahil magaling humawak ng show ang babaeng singer.

Sabi ng aming source, “Saka wala silang naging problema kay ____ (pangalan ng Female Singer A), napakadali niyang katrabaho, walang kaarte-arte, mabait pa siya sa mga fans.”

Nu’ng sumunod na taon ay si Female Singer B naman ang idinayo ng promoter sa mismong bayan din na pinuntahan ni Female Singer A. Nu’ng una ay okey lang ang lahat, hanggang sa magpalutang na ng kaartehan ang singer, mahirap hulihin ang ugali nito.

Kuwento uli ng source, “Marami siyang hinihingi, marami siyang hinahanap, pinakikialaman niya pati ang sequence ng show. Ang kailangan daw, habang ipinakikilala na siya ng emcee, e, pinatutugtog na ang pinasikat niyang kanta.

“Siya na ang writer ng show, e, siya pa ang stage director, kaya n’yo ‘yun? Wala raw dapat tumatambay sa backstage, maselan daw kasi ang ilong niya, kaya siya at ang PA lang niya dapat ang nandu’n,” kuwento ng impormante.

Sa dami ng kaartehan ni Female Singer B ay nabuwisit sa kanya ang komite ng fiesta, nangako ang show promoter na maglumuhod man sa kanya ito ay hinding-hindi na nila kukunin ang singer, never again!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sinu-sino ang mga babaeng singers na itey. Matutukso kayo sa galing kumanta ni Female Singer A at hindi naman kayo liligaya sa piling ni Female Singer B,” pagta-tapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending