Semis duel tatangkaing ikasa agad ng Beermen, Gin Kings | Bandera

Semis duel tatangkaing ikasa agad ng Beermen, Gin Kings

Melvin Sarangay - September 23, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. San Miguel Beer vs NLEX
7 p.m. Barangay Ginebra vs Alaska

MAIKASA agad ang sagupaan sa best-of-five semifinals ang tatangkaing isagawa ng San Miguel Beermen at Barangay Ginebra Kings sa pagsagupa sa magkahiwalay na katunggali sa pagsisimula ngayon ng 2016 PBA Governors’ Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Unang sasalang ang No. 2 seed at may twice-to-beat advantage na San Miguel Beer kontra No. 7 seed NLEX Road Warriors dakong alas-4:15 ng hapon bago sundan ng paghaharap ng No. 3 seed at may tangan din ng twice-to-beat incentive na Barangay Ginebra at No. 6 seed Alaska Aces sa ganap na alas-7 ng gabi.

Ang Beermen ay pamumunuan ng balik-import nitong si Elijah Millsap, na kumana ng 25 puntos at 14 rebounds sa 107-101 panalo ng koponan laban sa Blackwater Elite noong Linggo sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Makakatulong naman ni Millsap, na naging ikatlong import ng Beermen ngayong kumperensiya, sina two-time season Most Valuable Player June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Gary David, Ronald Tubid at Chris Ross para maihatid agad ang San Miguel Beer sa semifinal round.

Ang Road Warriors, na magmumula sa 100-85 kabiguan kontra Aces noong nakaraang Biyernes, ay sasandig sa import nitong si Henry Walker na makakatuwang sina Jonas Villanueva, Asi Taulava, Sean Anthony, Garvo Lanete, Kevin Louie Alas, Glenn Khobuntin at Marnel Baracael para makahirit ng do-or-die game sa kanilang playoff duel.

Pangungunahan naman ni Justin Brownlee ang Gin Kings, na magmumula sa 104-92 pagkatalo kontra top seed TNT KaTropa Texters noong Linggo, na hangad makadiretso agad sa semis.
Maliban kay Brownlee aasahan din ng Barangay Ginebra sina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Solomon Mercado, Chris Ellis, Joe Devance, Mark Caguioa at Earl Scottie Thompson.

Sasandalan naman ng Alaska sina LaDontae Henton, Calvin Abueva, RJ Jazul, Chris Banchero, Jayvee Casio, Vic Manuel, Joachim Thoss, Kevin Racal at Dondon Hontiveros para maitulak ang kanilang playoff matchup sa isang do-or-die match.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending