Pacman ‘pinatumba’ sina Trillanes at Cayetano sa Senado | Bandera

Pacman ‘pinatumba’ sina Trillanes at Cayetano sa Senado

Ambet Nabus - September 22, 2016 - 06:12 PM

trillanes-pacquiao-cayetano

PINURI nga ng marami ang naging aksyon ni Sen. Manny Pacquiao nang ito mismo ang nag-propose sa hearing ng Senado na tanggalin o palitan na si Sen. Leila de Lima bilang Chairman ng nasabing committee sa maingay at mainit na pinag-uusapang isyu sa drug problem ng bansa.

Nagtagumpay ang majority block na gawin ito habang may walk-out scene naman sa panig ni De Lima, “Good job,” ang nagkakaisang komento ng marami kay Pacquiao na biglang hinangaan at binigyan ngayon ng respeto ng mga dating hindi bilib dito.

Well, i-re-reserve muna namin ang aming personal na opinion tungkol diyan dahil “expected” namin ang mga ganu’ng gawain ng isang magaling at nagtatrabahong Senador.

Pero kumpara sa mga OA mag-ingay na gaya nina Sen. Sonny Trillanes at Sen. Allan Peter Cayetano, kering-keri na namin ang ginawa ni Sen. Pacman! Ha-hahahaha! Kumbaga sa boksing knockout ang dalawang madakdak na senador.

Siguradong marami pa tayong dapat abangang mga mala-teleseryeng eksena sa mga nagaganap na hearing sa Senado at Kongreso hinggil sa usapin ng drogakaya, tutok lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending