Kathryn saludo sa kabaitan at sinseridad ni Alden: Nirerespeto namin ang isa’t isa!!!
LAST Sunday sa aming DZMM Teleradyo show with my partner Gretchen Fullido ay nakapanayam namin ang KathNiel habang sila’y nasa Malaysia para sa screening ng “Barcelona: A Love Untold.”
Mahaba ang panayam namin sa dalawa, lalo na kay Daniel Padilla na never nagmaramot sa pagbibigay ng juicy facts tungkol sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo na labis ding ikinagalak ng supporters nila.
Direkta naming tinanong si Daniel kung after ng “Barcelona” ay magkakanya-kanya na sila ni Kathryn gaya ng mga naglabasang intriga.
Sey ng tinawag naming most improved actor ng kanyang henerasyon, “Imposible po yata sa panahong ito. Hindi naman yata masaya ang ganyan di ba, Kuya Ambet?”
At dahil successful nga ang pag-level-up ng KathNiel sa mapanghamon at medyo mature na role nila sa “Barcelona”, asahan daw nating muling magle-level up ang kanilang performance sa mga next project nila tulad ng teleserye at bagong movie.
“Ikaw na ang sumagot Kuya Ambet. Yun na!” sagot naman ni DJ sa tanong ni partner Gretchen kung puwede na ba silang tawaging mag-BF-GF ni Kathryn.
Sabi ko nga sa partner ko kapatid na Ervin at mga Ka-BANDERA, kung sa kissing scenes nila sa movie ko ibabase ang sagot, walang dudang sila na nga ang masasabing most in love couple ngayon sa showbiz.
q q q
“Okey po. Walang hassle and I feel the sincerity. Naniniwala ako na magkakaibigan na kami,” sagot naman ni Kathryn Bernardo sa nag-viral nilang photo ni Alden Richards sa social media.
Nagkasama sina Alden at Kathryn sa isang event at nagkaroon sila ng chance na mag-usap at magbukas ng komunikasyon sa isa’t isa, “Masaya po kami sa respective careers namin at mga ka-loveteam.
“We have but high respect po sa isa’t isa at kahit may ilan pong gusto kaming pag-awayin, napag-usapan po namin na mas maging open kami sa communication at laging pakinggan ang tamang rason,” ang very mature take ni Kathryn sa issue.
So, malinaw na malinaw iyan mga fans and supporters ha, walang dahilan para suhulan, i-agitate at sulsulan ng mga anik-anik na intriga ang mga idols ninyo na sa totoo lang, matitino, matatalino at propesyonal naman sa mga ginagawa nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.