Kakai kay Charo Santos: Parang si Virgin Mary mula sa langit!!!
BILIB na bilib si Charo Santos sa galing ni John Lloyd Cruz sa pelikula nilang “Ang Babaeng Humayo” na nagwaging Best Film sa 2016 Venice Film Festival na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa Sept. 28.
Gaganap na transgender si Lloydie sa movie na first time gagawin ng Box-Office King at award-winning actor sa pelikula.
Kuwento ni Ms. Charo kahapon sa presscon ng “Ang Babaeng Humayo”, saludo siya sa working attitude ni JLC, “He’s very dedicated sa profession niya. Hindi mo na siya makakausap kapag in character na siya. Once na nagpa-make up na siya, hindi mo na siya maiistorbo.”
Gaganap si Ms. Charo bilang Horacia sa pelikula, isang dating guro na pinakawalan sa kulungan matapos ang talong dekada. Na-frame up siya sa isang krimen na hindi niya ginawa. In fairness, starstruck daw lahat ng co-stars niya sa movie, lalo na si Kakai Bautista na ikinumpara pa si Charo kay Virgin Mary dahil sa kasimplehan at kabaitan nito sa kahit kaninong katrabaho. Bukod daw sa galing nitong umarte ay napaka-humble at down to earth pa nito sa tunay na buhay.
Kasama rin sa obrang ito ni Lav Diaz sina Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Mae Paner at marami pang iba at showing na sa Sept. 28 produced by Cinema One at Sine Olivia Pilipinas and released by Star Cinema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.