PADADALUHIN ngayong araw ng Senate commitee on justice and human rights si Edgar Matobato, ang umaming dating miyembro ng Davao death Squad (DDS) sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay sa extra judicial killings.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, vice-chairman ng justice committee, papayagan nilang muling tumestigo si Matobato “kahit duda sila sa mga pahayag nito.
Magsisimula ang pagdinig ala-1 ng hapon.
Magugunitang pinalitan ni Sen. Richard Gordon si Sen. Leila de Lima bilang chairman ng justice committee makaraan itong patalsikin sa puwesto ng mga kasamahan dahil sa pagiging “biased” umano nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.