TAPOS na sa United Nations, European Union naman ang binanatan ni Pangulong Duterte.
Nitong Martes nagpakawala nang maaanghang na salita si Duterte laban sa EU matapos nitong kondenahin ang sunod-sunod na extrajudicial killing sa mga drug suspects sa bansa.
“I read the condemnation of the European Union against me. I will tell them fuck you. You’re doing it in atonement for your sins,” pahayag ni Duterte nang magsalita ito sa harap ng mga local government officials sa Davao City.
Naniniwala si Duterte na naging istrikto ang mga miyembro ng European Union tungkol sa human rights dahil sa kanilang “guilt feelings” tungkol sa ginawa nilang pang-aapi sa mga nagdaang panahon.
Tinawag niya rin ang mga itong iporkrito, at idinagdag na kung babasahin ang mga encyclopedias maipapakita nito ang ginawang pang-aabuso ng mga European countries, gaya na lang anya nang ginawang pagoatay ng France at Great Britain sa mga Arabo.
“And then the European Union now has the gall to condemn me. I repeat it, fuck you,” dagdag pa nito.
Pinatuturo ni Duterte sa grupo kung sino ba ang kanyang mga pinatay sa bansa.
“Who were they? Criminals? You call it genocide? How many did they kill?” dagdag pa nito,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.