Puwestuhan sa NCAA Final Four ngayon | Bandera

Puwestuhan sa NCAA Final Four ngayon

Angelito Oredo |September 20,2016
facebook
share this

Puwestuhan sa NCAA Final Four ngayon

Angelito Oredo - September 20, 2016 - 12:00 PM

mapua arellano

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
12 n.n. EAC vs St. Benilde
2 p.m. Arellano vs Mapua
4 p.m. Perpetual Help vs San Beda
Team Standings: *Arellano (13-3); *San Beda (12-4); *Perpetual Help (11-5); *Mapua (11-5); JRU (9-8); Letran (8-9); San Sebastian (7-10); Lyceum (6-11); EAC (5-11); St. Benilde (0-16)
* – Final Four

SASAGUPAIN ng Arellano University Chiefs ang Mapua Institute of Technology Cardinals habang magtatapat naman ang San Beda College Red Lions at University of Perpetual Help Altas sa dalawang matinding salpukan na magdedetermina kung sinu-sino ang  magtatapat sa Final Four ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ang Arellano, na nasa solong liderato sa bitbit na 13-3 panalo-talong karta, ay nakatuon sa pagsungkit sa twice-to-beat advantage sa Final Four sa pagsagupa kontra Mapua.

Asam naman ng Cardinals, na kasalukuyang kasalo sa ikatlong puwesto ang Altas sa 11-5  kartada, na magwagi kontra Chiefs at makapagtapos na nasa top 2 spots.

Ang Red Lions, na kasalukuyang nasa ikalawang puwesto sa 12-4 marka, ay asam namang mapanatili ang puwesto o kaya’y makasalo ang Chiefs sa liderato.

Pero hindi ito magiging madali dahil nagnanais ding magwagi ang makakasagupa nitong Perpetual Help.

Ang Arellano, San Beda, Perpetual Help at Mapua ay pasok sa Final Four. Ang pinaglalabanan na lamang ng mga ito ay kung anong team ang ookupa sa una hanggang ikaapat na puwesto papasok sa semis.
Ang top 2 teams ay may twice-to-beat advantage sa semifinals.

Aminado naman si Arellano coach Jerry Codiñera na importante sa koponan na makuha ang insentibo.
“It will help us a lot if we have the twice-to-beat advantage,” sabi ni Codiñera.

Nanatili ang Chiefs sa No. 1 matapos talunin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 79-68, noong Huwebes habang ang Red Lions ay huling nanalo kontra Lyceum of the Philippines Pirates, 89-73, noong Setyembre 9.

Huli naman pinatalsik ng Mapua sa itinalang 77-72 panalo ang nagdedepensang kampeon na Letran para saluhan sa ikatlong puwesto ang Perpetual Help.

Nabigo naman ang Las Piñas-based na Perpetual Help sa Lyceum, 61-64, upang hayaang makasalo ang Mapua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Optimistiko naman si Perpetual Help mentor Jimwell Gican na kanilang masasamantala ang bentahe ng Nigerian na sina Bright Akhuetie at Prince Eze kontra sa San Beda squad na hindi makakasama ang Cameroonian na si Donald Tankoua na nagtamo ng ACL injury at idineklarang hindi na makakalaro sa buong taon.

“It will not be easy but we will try to take advantage of it,” sabi ni Gican.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending