Rufa Mae pinatunayang may matris, mahigit 4 na buwan nang buntis
NAPATUNAYAN ni Rufa Mae Quinto na babae siya at meron talaga siyang matris. Inamin niyang 17 weeks na ang ipinagbubuntis niya courtesy of her fiance Trev Magallanes.
Sa panayam ng Rated K last Sunday, sinabi ni Rufa Mae na super excited na siyang makita ang kanyang first baby.
“Siyempre, ninerbiyos din ako kung mabibigyan ko talaga siya ng family kasi yung age ko, di ba, 38 na ako. So, sabi ko, ‘Mabibigyan ko pa kaya ito ng anak?’ Ha-hahaha!” chika ng komedyana.
Ibinalita rin ni Rufa Mae na medyo delikado ang pagbubuntis niya, “Sensitibo nga. Nag-spotting ako nu’ng second month ko. Naospital ako ng apat na araw. Kasi nga tumakbo ako. Hindi ko naman alam na bawal gumalaw pag buntis ka.”
Pinayuhan siya ng kanyang doktor na maghinay-hinay na sa pagtatrabaho at iwasan ma-stress, “Kailangan lahat dahan-dahan lang. Hindi ka na nga puwede yumuko basta, e. Kailangan may poise na.”
Pag-amin pa niya sa kanyang kondisyon ngayon, “Umiiyak nga ako sa kanya. Sabi ko, ‘Grabe I had hangovers, ha.’ Pagsama-samahin mo na lahat ng hangover. I’ve never felt this tired.”
Ngunit kinakaya raw niya ang lahat ng hirap para maging healthy ang panganay nila ni Trev, “Ito ‘yung moment na araw-araw wala kang emptiness ever. Kasi parang alam mo na may kasama ka lumaki, e.
Kahit na mawala ka nang gagawin, kayong dalawa lang, puwede mo siya kausapin, ‘Hello there, anak!”
Hirit pa ng komedyana, “Siguro ito ‘yung umpisa ng todo (blessings). When it rains it pours. Happy ending!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.