Ang birthday wish, wish na mabuo ang pamilya | Bandera

Ang birthday wish, wish na mabuo ang pamilya

Joseph Greenfield - September 20, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Mercy ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Matagal nang hiwalay ang tatay at nanay ko dahil may ibang pamilya na ang tatay ko, pero kahit may iba na siyang pamilya lagi pa rin siyang dumadalaw sa bahay at naguusap pa naman sila ng nanay ko. Mula ng mag-hiwalay ang mga magulang ko kaming tatlong magkakapatid ay dito naninirahan sa nanay ko at sabi nya sa amin, nasa tatay ko daw ang pasya kung iiwan nya ang babae nya ay payag naman daw si nanay ko na makipagbalikan sila para muling mabuo ang aming pamilya. Itatanong ko lang kung may posibilidad kaya silang magkabalikan at muling mabuo ang aming pamilya? Yon lang ang wish ko sa darating na birthday ko sa October 4. Sana magkabalikan na ang tatay ang nanat ko. September 13, 1976 ang tatay ko at January 4, 1976 naman ang birthday ng nanay ko.
Umaasa,
Mercy Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang sira, hindi nalatid at maaayos ang pagkakaguhit ng Family Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap sobrang laki ng posibilidad na muling mabuo ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.), ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagkabalikan ang mga magulang n’yo, tuloy-tuloy ng darating ang suwerte at magandang kapalaran sa inyong pamilya, lalong lalo na sa materyal nabagay.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending