Matobato sa Senado; drug lord Golangco sa Lower House | Bandera

Matobato sa Senado; drug lord Golangco sa Lower House

Jake Maderazo - September 19, 2016 - 12:15 AM

NAGLILIPARAN ngayon ang mga alegasyon. Nauna ang surprise witness na si Edgar Matobato na idinawit sina Pangulong Digong, anak na si Paolo, Gen. Bato de la Rosa, NBI Director Gierran sa Davao Death Squad na isiningit sa Senate Committee on Justice hearing sa Extrajudicial Killings. Testigo na hindi kinunan ng affidavit bago humarap sa komite, inilihim sa mga senador at ngayon ay iginigiit na isailalim sa custody ng Senado, na tinanggihan naman ni Senate Pres. Koko Pimentel.
Nag-away pa sina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes na parang mga bata. Kung susuriin, wala sa regular na Senate rules ang pagharap ni Matobato lalo pa’t hindi naman Davao Death Squad ang iniimbestigahan ngayon kundi ang mga kasalukuyang pagpatay sa mga drug pushers at users sa ilalim na rin ng resolusyon ni de Lima.
Pero nag-iba, at ang mga pangyayari noong 1983 hanggang 2013 ang tinalakay imbes na ang nangyayaring mga patayan ngayon, kaya nga at umalma ang mga senador.
Marami rin ang pumupuna at nagsasabi na ang nangyari ay isang demolition job lamang kay Digong o kaya’y panlansi naman ni de Lima sa mga darating na alegasyon laban sa kanya.
Sa ngayon, “on hold” ang susunod na hearing ng Justice Committee matapos ang pagkontra ng mga senador at kahit mismo ni Senate Pres. Pimentel. Papayagan ba niyang ituloy ang imbestigasyon “in aid of legislation” kung ganyang accountability na ang ibinubulgar ni Matobato?
Kung kailangang ipakulong ang mga salarin, ang dapat mag-imbestiga rito ay ang Senate blue ribbon committee at hindi na si de Lima.
Sa mga nakapaligid kay Digong, si Koko pa rin ang may kasalanan dito nang makipagkoalisyon siya sa Liberal Party at ibigay kay de Lima ang Justice Committee. Bagay na kontrang-kontra noon si Cayetano.
Kapag lalong nagkainitan, dito sa isyu ni Matobato, magkakaalaman kung mananatili ang koalisyon ng Liberal Party sa PDP-LABAN.
Maghihiwalay na rin ang pula sa dilaw sa Senate Presidency at mga committee?
***
Dito naman sa Lower house, lumitaw ang affidavit ng convicted drug lord na si Herbert Golangco na nagsabing nagbibigay sila ng P3 milyon kada buwan kay dating Justice Sec. de Lima sa pamamagitan ng isang security na si Joenel Sanchez at umano’y boyfriend na si Ronnie Dayan.
Meron daw testigo na nag-deliver ng P5 milyon sa bahay ni de Lima sa Paranaque. Meron din sa campaign funds at sa kabuuan, 12 testigo ang hawak ng DOJ na ilan ay mula sa Munti.
Sa panig naman ni de Lima, ang mga alegasyong ito ay walang katotohanan lalo’t galing sa isang “perjured” o walang kredibilidad na si Golangco.
Pero sa pagdinig sa Martes, sisiyasatin doon kung bakit lumawak ang operation ng drug lords sa Bilibid noong panahon ni de Lima . At kung paniniwalaan ang mga alegasyon, nakikinabang siya sa perang binibigay sa kanya. Kaya naman, babalik tayo sa nakasalang pa rin na “ethics complaint’ vs. de Lima sa Senado.
Alam naman natin na tanging mga senador lamang ang makapagpapaalis sa kapwa nila senador. Pustahan tayo!
Ang mga ibubulgar sa Lower House ay gagamitin sa ethics complaint kay de Lima. At ang magiging dulo nito ay ang kanyang pagkakasibak sa pwesto at paghihiwalay ng Liberal Party sa koalisyon.
***
May reaksyon o tanong ka ba? Maaring mag-email sa [email protected] o kaya ay mag-text sa 09163025071

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending