Mas masaya sa ka-relasyong tomboy (2)
Sulat mula kay Anna ng Washington St., Oroquieta City
Problema:
1. May kaibigan akong tomboy at dahil napamahal na siya sa akin ng magtapat siya sa akin ng pag-ibig sinagot ko siya agad. Ang problema may isa pa akong boyfriend pero hindi ko masyadong mahal, mas mahal ko ang kaibigan kong tomboy na ito kaya nga po sinagot ko siya agad ng magtapat siya ng pag-ibig sa akin. Sa ngayon dalawa ang syota ko, isang tomboy at isang totoong lalaki kaya medyo naguguluhan ako.
2. Itatanong ko lang sana kung kami na ba ng boyfriend ko kahit hindi ko siya mahal o posible kayang kami ang habambuhay na magsasama ng tomboy kong ka-relasyon, kasi mas masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya kaysa sa totoong boyfriend ko.
3. Sino ba sa kanilang dalawa ang pang habam buhay kong makakasama? August 12, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna ng
Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 1.) ay nagsasabing magkakaroon muna ng kaguluhan sa i-yong puso at isipan na kasalukuyan ng nangyayari. Ngunit pagkatapos naman nito, saka pa lang darating ang totoong mangingibig na mapapangasawa at makakasama mo habambuhay na nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius.
Numerology:
Ang birth date mong 12 ay nagsasabing mabibiktima o iibig ka sa isang tomboy na may birth date na 30, pero hindi siya ang makakatuluyan mo. Ganon din naman hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan, bagkus isang lalaking paparating pa lamang na nagtataglay ng birth date na 15 ang iyong makakatuluyan.
Huling payo at paalala:
Anna ayon sa iyong kapalaran hindi mo makakatuluyan ang syota mong tomboy gayon din ang kasalukuyan mong boyfriend na lalaki. Sa halip tulad ng nasabi na sa taong ito ng 2016, kapwa sila mawawala sa iyong piling, upang pagkatapos isang lalaking may initial na R.R. ang darating, ang ikatlong ka-relayong ito ang makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya na maganap sa taong 2018 sa edad mong 27 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.