Decision 2013: Independent Senatorial Candidate Bro. Eddie Villanueva | Bandera

Decision 2013: Independent Senatorial Candidate Bro. Eddie Villanueva

- April 15, 2013 - 03:34 PM

eddie villanuevaBro. Eddie: Moral leadership sa Senado

Ni Leifbilly Begas

WALANG pangamba, walang takot.

Ganito inilalarawan ni televangelist at two-time presidential candidate Bro. Eddie Villanueva ang sarili sa muli niyang pagsabak sa pulitika, at ngayon ay kumakandidato sa pagkasenador.

Sa kanyang pagbisita sa Inquirer Bandera kamakailan, sinabi ni Villanueva na hindi siya natatakot kung sakaling di man siya palarin sa kanyang pagtakbo ngayon, gaya nang ginawa niyang pagkandidato sa pagka-presidente noong 2004 at noong 2010.

Anya kung walang pagsasakripisyo, walang aasahan na magandang bunga.

“If Abraham Lincoln after suffering 79 defeats in his political career gave up his aspiration to emancipate the masses, to emancipate the slaves of America. baka hanggang ngayon milyon-milyon ang slave sa Amerika.

“Si Rev. Martin Luther King Jr., kung isinuko niya yung kanyang aspiration in fighting the civil rights of the black people, baka wala tayong makita ngayong black president sa Amerika.“Kung si Dr. Jose Rizal, Bonifacio, Mabini, del Pilar and all other great heroes in the past, kung ginive up nila yung aspiration nila na makita yung freedom ng Filipino people from colonialism baka wala tayong ganitong opinyon.”

Ang mga ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila nang mga tinamong pagkatalo, ang nag-uudyok sa kanya na lumaban pa.

Moral leader
Bukod dito, hindi anya tumitigil ang paghimok sa kanya ng marami na pasukin niya ang gobyerno, higit pa ang Senado, upang maibalik ang moralidad sa institusyong ito na batbat rin ng mga kontroberysa at iregularidad.

“Sabi ng marami kong kaibigan, timely ang pagpasok mo sa Senado Bro. Eddie we need moral compass.

Alam nila na ako’y walang dadalhin sa Senado except yung advocacy ko.”

“So alam nila na meron tayong dala-dalang, modesty aside, moral leadership to influence the tempo of the Senate environment,” anya pa.

At sa sandali umanong maging payapa ang Senado ay doon na higit mapagtutuunan ng pansin ang mga urgent legislative reforms.

Peacemaker, referee
Dagdag pa niya, maaari rin siyang maging peacemaker ng mga nagbabangayang senador.

“Qualified akong maging peacemaker kapag merong nag-aaway-away doon sa loob, nade-delay ang trabaho sa Senado dahil hindi ako kakampi ng sinumang dominant political party.

May independence ako. Yun ang isang unique feature ni Bro. Eddie, maging referee, maging peacemaker sa mga hindi magkasundong senador.”

Ito rin anya ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang alok ng United Nationalist Alliance (UNA) nina dating Pangulong Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay na magpaampon sa nasabing partido.

“Kaya nga tinanggihan ko yung alok si former Pres. Erap Estrada more than a month ago, I want to preserve my moral ascendancy as peacemaker,” paliwanag pa ni Villanueva sa Bandera.

Separation of church, government
Tumugon din si Villanueva sa mga banat sa kanya ng kanyang mga kritiko hinggil sa sinasabing hindi maaari niyang pagsabayin ang paglilingkod sa Simbahan at sa gobyerno; at dapat na manatili na lamang siyang lingkod ng Diyos sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

Paliwanag ni Villanueva, walang conflict ang pagtatrabaho sa Simbahan at ang pagtatrabaho sa gobyerno.

“Utos nga ng Diyos yung good governance eh.

Walang conflict yun, kung may conflict yun burahin na natin ang Preamble ng Philippine Constitution.

The very preamble of the Philippine Constitution clearly states that we the sovereign Filipino people emploring the aid of almighty God.

Kaya sa akin gagawin mo yung maka-Diyos, maka-tao, makatarungan, makatwirang paglilingkod sa bayan.

Kaya mawawala rin yung corruption, mawawala rin yung monkey business,” ayon kay Villanueva.

Sakabila nito, naniniwala pa rin si Villanueva na marami pa ring mga opisyal ng Senado at maging ang mga kalaban niya o mga nagsisitakbo ngayon para maging senador ay may kabutihang taglay.

Nagkakataon lamang anya na kung minsan ang pride, pagkamainitin ng ulo, kasakiman ang siyang nagpapasama sa kanila.

“I still believe lahat sila merong innate goodness in their character.

I believe they all have the qualifications to serve eh.

Kung minsan lang, kunwari nag-iinit ang ulo, naging personalan, medyo nag-prevail yung pride sa isa’t isa kung nandun si Bro. Eddie, kumo kaibigan naman nila ako, kaibigan ko sila, I can easily pacify them.”

(Editor:  Nais namin kayong marinig.  May komento o reaksyon ka bas a artikulong ito? I-text ang iyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374. )

Mga hirit ni Bro. Eddie

BUMISITA kamakailan sa Inquirer Bandera ang independent senatorial bet na si Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas Movement.

Tinanong namin siya sa iba’t ibang mahahalagang isyu ng bayan at narito ang kanyang mga posisyon:

Mindanao power crisis
Ang una kong gagawin ay irrebyu ko ang EPIRA Law, magkakaroon ako ng serious review, ano ang strength and weaknesses n’yan bakit naging failure.

Pangalawa I will absolutely involve myself doon sa comprehensive master plan on how to develop in long terms low cost electricity.

Because we are aiming all of us for national industrialization and we can never attain that unless we are serious in exploring alternative better source of energy.

Reproductive Health
Bro. Eddie is absolutely against all kinds and all forms of abortion because abortion per se is murder.

However, I am absolutely in favor of sound family planning, I am absolutely in favor of responsible parenthood program.

Even God is the God of planning. If God is a God of planning why are we against planning.

Pagdating sa abortion ibang usapan yun that is killing.

Divorce
First of all its very clear God hates divorce and there are a number of Biblical commands of God bans divorce.

However, there are some exceptional cases if one of the spouses commits infidelity or adultery or violence or any form of injustice exceptional cases yan.

Same sex marriage
I want them to be enlightened na bumalik sa kalooban ng Diyos.

Be that as it may, I will fight for their political rights, I will fight for their civil rights without violating the commands of God.

Granting na sila ay iba sa normal they deserve to be dependent for their political and civil rights, yung human rights nila.
Political dynasty

Congress has failed to make clear definition, but my connotation of political dynasty which is shared by many, ang political dynasty, yung lolo at lola, yung mga magulang, yung mga anak, yung mga apo from time immemorial so to speak kontrolado nila ang political power, kontrolado nila ang economic power, kontrolado nila ang business power.

Gumagamit sila ng guns, goons and gold, ang electoral system is never free (malaya) and I am absolutely against that.

Ngayon kung absolutely free, clean ang election at walang suppression sa karapatan ng tao in choosing their leaders.

Meron kang tatlong anak, pinag-aral mong mabuti, tinaniman mo ng pagmamahal sa Diyos at sa bayan, lumaki nangarap na bago sila tumanda’t mamatay, meron silang magawang legacy meron silang magawang great things sa bansa.

Eh yung panganay ang naunang pumasok sa pulitika, yung dalawa disqualified na, that is discrimination.

We must have a balance outlook in defining political dynasty.
Pork barrel
Line budgeting, absolutely transparent and accountable ang lahat. Ito ang budget mo, i-ayos mo employee ka ng taumbayan eh. Ang dapat maintindihan ng public, public office is a public trust, kaya ka papasok dyan maglilingkod ka eh.

Death penalty
Absolutely I’m in favor, only on heinous crimes as provided by the good book. Sangkatutak kasi sa Bible ang deth penalty pero on heinous crimes.

Mining and logging
Ako ang sa akin natural, responsible mining.

I am absolutely against open pit mining, irresponsible mining.

Hindi naman dapat yung kayamanang ginawa ng Diyos hanggang sa magunaw ang mundo sa apoy eh hindi napakinabangan ng taumbayan ano.

Kailangan lahat ng kayamanang ginawa ng Diyos mapakinabangan ng taumbayan eh ang problema eh yung sistema.

Kokonti lang yung nakikinabang.

Sa akin kung ako’y senador rerebyuhin ko yang mining act, ang gusto ko ang number one makikinabang hindi lang selected few.

Legalization of jueteng
I cannot be a part of dragging them to sins.

Unang-una ano ang root cause ng jueteng, poverty.

Labanan natin ang poverty, hindi komo makakatulong sa mahirap… pero ang ultimate result is destruction.

Para mawala ang jueteng labanan mo ang poverty through long range economic program and development..

B: K12 program
A  bitter pill but necessary.

Sa ibang bansa ang mga Filipino ayaw tanggapin unless kumuha muna ng two years (study).

Hindi sila competitive sa ibang bansa dahil kulang tayo sa two years.

Spratly, Sabah

BEV: I am in favor of course of bringing the case to the International Tribunal however if I were in the shoes of the president we have first to win the support of the neighboring countries by enhancing the moral ascendancy of the Philippines before the eyes of the world.

Peacetalk/Bangsamoro
BEV: I have to see to it if I were a senator that all stakeholders will be properly invited and given a choice to participate in crafting the destiny of Mindanao rather than very few who just participated under the aspiration of some foreign countries.

Cybercrime law

Ang sa akin, I always welcome advance mental technology in the living existence of people here on Earth however yung paggamit ng internet bigyan natin ng safety nets ang mga bata, ang mga kabataan.

Pero ofcourse I am against the provision on libel because suppression yun ng freedom of speech and freedom of expression.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung abusado pano, meron namang revised penal code.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending