Epy Quizon gaganap na beki, bubuhayin ang alaala ni Pidol
TULAD ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes sa GMA 7, ngayong Sept. 19 na rin magsisimula ang bagong Kapuso afternoon drama series na Oh My Mama.
Natuwa kami nang makita naming bibida uli si Epy Quizon, bilang isang bading na magsisilbing “mama” ng lead star ng serye na si Inah de Belen .
Kung sa ibang network ay puro so-so roles lang ang ginagampanan ng anak ni Comedy King Dolphy, sa Oh My Mama ay siguradong tatatak sa viewers ang kanyang karakter. Ayon sa magaling na aktor, “Ako naman kasi, basta importante at mahalaga ang role, kahit pakainin nila ako ng bubog gagawin ko. Ha-hahaha! Pero sobrang thankful ako sa GMA for this one. Na-miss ko din ang gumawa ng ganitong klaseng drama.”
Launching project ito ni Inah who at 22 years old ay mukhang teenager pa rin. Liberal-minded ang anak nina John Estrada at Janice de Belen na hindi naman nakapagtatakang makitaan ng potensyal sa pag-arte dahil kapwa premyado ang kanyang mga magulang pagdating sa pag-arte.
Ang nakakatuwa sa Oh My Mama, karamihan sa mga co-stars nina Inah at Epy ay kabilang na sa next generation of stars, ang iba sa kanila ay galing din sa angkan ng mga artista. Ka-join din dito sina Sheryl Cruz, Gladys Reyes, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Francine Prieto at ang dalawang lalaking mag-aagawan kay Inah na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.