Serye ng AlDub aprubado na ng GMA at APT
NAKATSIKAHAN namin ang creative consultant ng seryeng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes na si Suzette Doctolero na nasa Italy ngayon para magbakasyon ng ilang araw.
Diretso ang tanong namin kay Ms. Suzette kung totoong ilang beses ni-revise ang script ng bagong show ni Dingdong sa GMA dahil hawig nga raw ito sa American TV series na Arrow.
“Pina-revise daw po dahil sa issue na kopya raw sa Arrow? Wala pong ganu’n. Kasi hindi naman po talaga namin inisip ang Arrow. Wala talaga. Saka nang lumutang ‘yang issue na ‘yan, taped na po ang week one to three namin,” pahayag sa amin ng scriptwriter ng GMA.
Balik-tanong sa amin ng creative consultant, “Saan po ba galing ang revision na issue? Ano po context? Ako po ay consultant ng show.
“Wala pong revision dahil sa Arrow issue. Ang scripts po, specifically ang week one ay dumadaan sa normal na proseso. If may revisions po, ng week one, na naisulat na three months ago pa ata, at nai-tape na, wala po yung kinalaman sa Arrow.
“Ang storyline ng Alyas Robin Hood ay basic na kuwento ng isang mahirap na inapi, so need niya gumanti kaya mag aala-Robin Hood siya.
“Di ko po alam ang context ng ni-revise. Uulitin ko, hindi po talaga galing sa Arrow. Kaya no need to revise the script. If may revisions before, yes, of course, meron para lalong mapaganda ang kuwento. Kasi normal naman ‘yun. ‘Yan baka mas malinaw (na paliwanag).”
Samantala, wala pang ideya ang writer kung anong timelost ilalagay ang serye ni Dingdong na magsisimula na sa darating na Lunes.
Nabanggit din ng creative consultant ng GMA 7 na approved na ng mga bossing ng network at ng APT Entertainment ang seryeng pagsasamahan nina Alden Richards at Maine Mendoza pero wala siyang idea kung kailan magsisimula ang taping nito dahil sa ibang unit daw ito maa-assign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.