'Walang forever para kina Alden at Maine!' | Bandera

‘Walang forever para kina Alden at Maine!’

Cristy Fermin - September 16, 2016 - 12:30 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MEDYO nananahimik na ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nandiyan pa rin sila, pero wala na silang masyadong ingay, hindi tulad nu’n na bawat kilos at sabihin nila ay malaking balita na.

Pero nandiyan pa rin naman ang kanilang mga tagasuporta, ganu’n pa rin ang mas nakararami sa kanila, nang-aaway ng mga artista at reporters na hindi umaayon sa mga ginagawa ng kanilang idolo.

Ramdam na ang pagtamlay ng AlDub, sa tanggapin o hindi ng mga palaaway nilang tagahanga, ‘yun ang dahilan kung bakit isinarado na ang libro ng kanilang tambalan sa kalyeserye.

Mahina na ang kaway ng pagpapa-cute nina Alden at Maine sa kalyeserye, napag-iiwanan na sila sa labanan ng rating, kaya bago pa sumadsad sa dalampasigan ang barko ay kailangan na silang isalba sa pagtatapos ng kanilang kuwentong kinabaliwan nu’n ng ating mga kababayan.

Walang forever. Walang panghabambuhay na popularidad. Hindi puwedeng ipagsigawan ng mga tagahanga nina Alden at Maine na hindi mawawala ang init ng pagtanggap ng publiko sa kanilang mga idolo.

Sa dalawa ay si Alden ang may kapasidad na magtagumpay pa rin kahit wala na si Aling Menggay, pero ang babae, sabay-sabay nang makipagsuntukan sa buwan ngayon ang kanyang mga tagahanga.

Ngayon sila magyabang, ngayon nila away-awayin ang mga artista at reporters na hindi nila kuno kakampi, ngayon nila ipagsigawan sa mundo na buhay na buhay pa rin ang karera ni Yaya Dub.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending