‘Hermano Puli’ ni direk Gil Portes posibleng makapasok sa Oscars
SAMANTALA, bago pa ipalabas sa mga sinehan ang historical action-drama film na “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” sa Sept. 21, nakatanggap na agad ng good news ang buong production.
Nakasama sa short list ng Film Academy of the Philippines ang “Hermano Puli” sa mga pelikulang posibleng maging official entry ng Pilipinas para sa susunod na Oscars awards ng US.
Sa nakaraang presscon ng pelikula na ginanap sa Limbaga 77, ibinalita ni direk Gil Portes na ipinagdarasal nila na sana’y makapasa nga ang “Hermano Puli” sa panlasa ng mga miyembro ng FAP at mapili nga ang kanyang obra para maging Philippine official entry sa Oscars.
“Kung papalarin, thank you, pero kung hindi naman mapili, salamat pa rin. At least na-consider nila ang movie namin na maging entry sa Oscars. But we promise na marami silang madi-discover sa life story ni Puli,” sey ni direk Gil.
Para naman kay Aljur, “Why not, di ba? Oscars na yun, lahat ng artista at direktor pangarap yan. Pero kasi, ginawa namin ang pelikula para mas maraming nakakilala kay Hermano Puli na parang nakalimutan na sa kasaysayan.
“Kaya nakakataba ng puso na maraming excited na makilala si Puli at ang mga nagawa niya para sa Diyos at sa bayan,” aniya pa.
Pahabol naman ni Direk Gil, na nag-celebrate ng kanyang 71st birthday last Sept. 13, “‘Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli’ is one of the projects in my bucket list. I am happy to have completed it. What makes me happier now is the positive reaction and enthusiastic interest in ‘Puli.’”
Ang “Hermano Puli” ay kuwento ni Apolinario dela Cruz na siyang nagtatag ng Cofradia de San Jose, isang religious brotherhood sa Tayabas (Quezon) noong 1831.
Because of Puli’s quest for religious freedom, he was pronounced a heretic and sentenced to death by the Spanish colonial government.
Mula sa panulat ni Enrique Ramos, produced by T-Rex Productions ang “Hermano Puli” ay ang naging closing film sa nakaraang 2016 Cinemalaya Independent Film Festival. Since that screening, it has gained a lot of interest and feedback from the viewers.
In fairness, umabot na sa mahigit 3.5 million ang views ng “Hermano Puli” trailer sa official Facebook page ng movie with 12,312-plus shares. Ang theme song ng pelikula na “Alamat” performed by Let Gravity band ay palagi na ring pine-play ngayon sa mga radio stations.
Kasama rin sa movie sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Menggie Cubarrubias, Ross Pesigan, Acrchie Adamos, Markki Stroem, Simon Ibarra, Vin Abrenica, Allen Abrenica, Sue Prado, Kiko Matos, Stella Canete, Diva Montelaba, Abel Estanislao at Alvin Fortuna. The movie will have a premiere on Sept. 19 sa SM Megamall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.