Gil Portes natagpuang patay sa loob ng bahay | Bandera

Gil Portes natagpuang patay sa loob ng bahay

Ervin Santiago - May 26, 2017 - 12:25 AM

GIL PORTES

GIL PORTES

NAGLULUKSA na naman ang entertainment industry sa pagpanaw ng award-winning director na si Gil Portes nitong Miyerkules ng gabi. Siya ay 71 years old.

Habang isinusulat namin ang balitang ito, wala pang official statement na inilalabas ang kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagkamatay. Ayon sa inisyal na ulat, natagpuang wala nang buhay ang veteran director sa kanyang bahay.

Balitang isinugod pa sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang direktor ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Hinihintay pa raw ang autopsy report tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay. Agad namang nakiramay ang mga kapwa-director ni direk Gil sa pamamagitan ng kanilang social media accounts, sa pangunguna na ni Mel Chionglo na umaming na-shock sa biglaang pagkawala ng kanyang kaibigan.

Dalawa sa mga huling pelikulang ginawa ng direktor ay ang “Hermano Puli” ni Aljur Abrenica at “Moonlight Over Baler” nina Ellen Adarna at Vin Abrenica.

Ilan pa sa mga obra ni direk Gil ay ang “Miss X” (1980), “Never Ever Say Goodbye” (1983), “Merika” (1984), “Bukas… May Pangarap” (1984), “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” (1990) at “Mulanay” (1996).

Tatlo sa mga nagawa nilang pelikula ang naging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards, ito ay ang “Saranggola” (1999), “Gatas Sa Dibdib Ng Kaaway” (2001) at “Mga Munting Tinig” (2002).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending