Laos na celebrity na dilawan nakipagbulyawan sa mall | Bandera

Laos na celebrity na dilawan nakipagbulyawan sa mall

Den Macaranas - September 14, 2016 - 12:10 AM

UMIIWAS sa mga matataong lugar ang isang dating sikat na personalidad na kilalang tagasuporta ng dating administrasyon.

Baka raw kasi maulit ang ginawang pambu-bully sa kanya ng mga tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon.

Naganap noong isang linggo ang ating kwento today, nangyari ito sa loob ng isang upscale mall sa Makati City.

Namamasyal sa nasabing mall itong bida sa ating kwento nang bigla siyang lapitan ng isang may edad na ring babae ayon sa ating Cricket.

Kinompronta umano ng nasabing babae ang dating sikat na male personality dahil sa kanyang mga banat sa twitter laban sa kasalukuyang administrasyon.

Imbes na umiwas ay tinalakan niya ang nasabing babae na ayon sa ating Cricket ay halos magmurahan na ang dalawa gamit ang English language.

Akala siguro ni dating sikat na Mr. Personality ay nag-iisa lang ang nasabing babae pero nagkamali siya dahil kasama pala niya ang kanyang mga amiga.

Kinuyog nila ang nasabing Aquino supporter pero hindi pa rin nagpadaig ang bida sa
ating kwento.

Nakipagsabayan siya sa pagsasalita hanggang sa may humawing lalaki sa kanyang braso.

Dun lamang tumigil si dating sikat na personality dahil muntik na siyang bigwasan nang naturang lalaki.

Kasama pala ito ng kanyang tinatalakang babae na halatang tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon.

Ang dating sikat na personality na ating tinutukoy ay isang dating sikat na singer ay handang magpakabayani maipagtanggol lamang ang dating pamahalaan.

Ilang beses din siyang naghangad ng pwesto sa nakaraang pamahalaan pero hindi naman siya naalok ng kahit na minsan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento na muntik nang kuyugin ng mga Duterte supporters dahil sa pagiging matabil sa Twitter ay si Mr. P….as in Pakakak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending