Dingdong: Ang goal namin ni Marian...maraming anak! | Bandera

Dingdong: Ang goal namin ni Marian…maraming anak!

Jun Nardo |September 14,2016
facebook
share this

Dingdong: Ang goal namin ni Marian…maraming anak!

Jun Nardo - September 14, 2016 - 12:30 AM

marian rivera at dingdong dantes

WALA pang kumpirmasyon si Dingdong Dantes kung isasama nila ng asawang si Marian Rivera si Baby Zia sa pagpunta nila sa Amerika sa huling weekend ng buwan.

Sa Los Angeles at San Francisco, California gaganapin ang shows ng mag-asawa next week. Kaya double time din ang aktor sa taping nila para sa bagong serye ng GMA na Alyas Robin Hood.

Binata pa lang si Dong ay nasa GMA na siya. Sa pagsuma niya, 18 years na niyang ipinagkatiwala sa Kapuso Network ang mga programang ginagawa niya. Pero ngayon lang siya nakatikim ng panlalait na kopya sa foreign series na Arrow ang Alyas Robin Hood.

“Basta ako, ipinagkatiwala ko sa creative team at bosses ko sa GMA ang lahat ng trabahong ginagawa ko. Confident akong wala kaming kinopyang programa dahil matagal nang alamat itong tungkol kay Robin Hood. Binigyan lang naming ito ng aakma sa makabagong panahon,” ani Dong sa press launch ng series.

Hindi pa nakakapanood si Dingdong ng kahit isang episode ng Arrow. Lumang-luma pa nga ang foreign series na up to now ay pinapanood pa niya, ang House of Cards.

Ang ikinatutuwa niya, bahagi siya ng TV series na isang dream come true para sa kanya and at the same time ay nagbibigay ng inspirasyon sa manonood.

“Maganda ‘yung nagiging part ka ng pag-solve ng isang problem sa lugar niyo, tumutulong sa community. Pero ang mas mahalaga siyempre, ay ‘yung paghahanap ng katotohanan. I think isa ‘yun sa main na gustong ma-achieve ng character sa story – malaman kung saan nagmula, sino ang may kagagawan sa lahat. Medyo kumplikado,” pahayag ni Dong.

Bilang kapareha, sina Miss World 2013 Megan Young at ang seksing si Andrea Torres ang makakaromansa ni Dingdong sa ARH. Sa Sept. 19 na ito magsisimula sa GMA Telebabad sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Tungkol naman sa plano nila ni Marian na magkaroon ng maraming anak, naniniwala si Dong na kung bibigyan pa sila ng Diyos ng karagdagang supling ay mangyayari’t mangyayari ito kahit hindi nila planuhin.

Ayon sa Primetime King ng GMA, ang goal talaga nila ni Marian ay magka-baby ng marami, ito raw yung napagkasunduan nila bago pa ikasal. Kung ilan ang ibigay sa kanila ay tatanggapin nila ni Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending