Lider ng kulto na si Ruben Ecleo, Jr. hindi pa rin naaaresto makalipas ang 1 taon | Bandera

Lider ng kulto na si Ruben Ecleo, Jr. hindi pa rin naaaresto makalipas ang 1 taon

- September 12, 2016 - 03:27 PM

ruben-ecleo

NABIGONG maaresto ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang wanted na si dating Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo Jr., ang tinaguriang “supreme master” ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) isang taon makalipas ipalabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ibinalik ni Atty. Eduardo Ramos Jr., senior agent ng Anti-Illegal Drugs Division ng NBI, sa Sandiganbayan First Division ang ipinalabas na  arrest warrant laban kay Ecleo na napatunayang guilty sa tatlong  counts ng graft at corruption kaugnay ng maanomalyang mga proyekto ng siya ay mayor pa.

Sinabi ni Ramos na itinalaga siya ng kanyang hepe noong Agosto 28 noong isang taon para isilbi ang warrant of arrest laban kay Ecleo.

Ngunit Agosto 30 ngayong taon, hindi pa rin natutunton si Ecleo, ayon kay Ramos.

“Said felon cannot be located albeit diligent efforts, hence this return,” sabi ni Ramos.

Ipinag-utos ng korte ang pag-aresto kay Ecleo matapos mapatunayan ng korte noong 2006 na siya ay guilty sa  graft at corruption kaugnay ng maanomalyang pagtatayo ng pampublikong palengke, gusali ng munisipyo at rehabilitasyon ng isang gusalit na pag-aari ng kulto ng pamilya ng siya ay mayor pa ng San Jose, Dinagat Island, Surigao del Norte mula 1991 hanggang 1994. Nasintensiyahan siya ng 31 taong pagkakabilanggo.

Noong 2012, nasintensiyahan si Ecleo ng habambuhay na pagkabilanggo matapos siyang mapatunayang guilty sa kasong parricide kaugnay ng pagpatay sa misis na si Alona Bacolod-Ecleo sa kanilang bahay sa Cebu City noong 2002.

Sinakal ni Ecleo si Alona sa kanilang bahay sa Sitio Banawa, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Enero 5, 2002. Natagpuan ang kanyang katawan makalipas ang tatlong araw.

Si Ecleo Jr. ay anak ni PBMA founder Ruben Ecleo Sr. Ecleo Sr., na tinawag na Divine Master ng mga miyembro ng kulto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending