Isabelle, Adrien ikinasal sa Gothic-style na simbahan sa Italy
IKINASAL na ang TV host-actress na si Isabel Daza sa kanyang fiance na si Adrien Semblat na ginanap sa isang Gothic-style church sa Italy last Saturday.
Kasama ni Isabelle na naglakad sa aisle ng St. Francis parish sa Lucignano ang kanyang ninong na si dating Sen. Bongbong Marcos.
Suot ng 28-year-old bride ang kanyang sleeveless, ivory gown na gawa ni Vera Wang habang gwapong-gwapo naman si Adrien sa suot niyang navy blue suit at white shirt.
Ilan sa mga taga-showbiz na dumalo sa kasal nina Belle at Adrien ay sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Tim Yap, Liz Uy at Rajo Laurel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.