Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Davao Occidental kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:29 ng umaga. Ang sentro nito ay 166 kilometro sa silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
Ang lindol ay dulot ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. May lalim itong 52 kilometro.
Ayon sa Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito. Wala namang inaasahang napinsala ang lindol dahil nangyari ito sa dagat.
Wala namang naitalang tsunami sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending