Bagyong Ferdie pumasok, LPA lumabas | Bandera

Bagyong Ferdie pumasok, LPA lumabas

Leifbilly Begas - September 11, 2016 - 03:07 PM
  pagasa Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie, may international name na Meranti.      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay may dalang hangin na umaabot sa 105 kilometro bawat oras ang bilis. May pagbugso itong 135 kilometro bawat oras.       Umuusad ito sa pa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.       Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 955 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora. Bukas sa layong 395 kilometro sa silangan-timog silangan ng Basco, Batanes.       Sa Miyerkules ito ay nasa layong 140 kilometro sa kanluran ng Itbayat at lalabas ng PAR sa Huwebes.      Samantala, ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA ay lumabas na ng PAR.      Kahapon ay nasa layong 560 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Puerto Princesa, Palawan. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending