Anak ni Regine 4 years old pa lang milyonaryo na | Bandera

Anak ni Regine 4 years old pa lang milyonaryo na

Ervin Santiago - September 11, 2016 - 01:00 AM

REGINE VELASQUEZ AT NATE

REGINE VELASQUEZ AT NATE

BATA pa lang ay kumikita na rin ang anak nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate. Four years old pa lang ang bagets ay siguradong secured na ang future nito.

Ilang product endorsements na ang nagawa ni Nate at may bago na naman siyang TV commercial kasama ang kanyang mommy Regine. Ito ang Smart Watch, ang multi-functional gadget para sa mga bata mula sa PLDT Home.

Kasama ni Regine ang anak nang humarap sa press para sa launching ng nasabing produkto. At dito nga niya sinabi na iniipon nila ni Ogie ang lahat ng talent fee ni Nate mula sa kanyang mga endorsement.

Pero aniya, hindi raw nila sinasabi sa anak na binabayaran na ang pagharap nito sa camera.

“Hindi ko sinasabi kasi ayokong mag-isip siya. Ayokong pumasok sa ulo niya na lahat puwede niyang bilhin because may pera siya.

“Later on, when he’s a little bit bigger and he can understand already what it means, then I can tell it to him,” paliwanag ni Regine na nananatiling brand ambassador ng PLDT Home.

Sa tanong kung binibigyan nila ng prize si Nate kapag nakakagawa ng maganda, “Hindi kasi kami reward system, e, hindi kami naniniwala doon sa if you do good, bibigyan kita ng ganito.

“E, di lagi na lang ganu’n, parang namimihasa, parang laging may kapalit. So, kami, ‘You have to be a good boy because I say so,’” natatawang chika pa ng Songbird.

Tinanong naman ng press si Nate kung artista na ba ang feeling niya dahil uma-attend na siya sa presscon tulad ng kanyang mommy at daddy, “Yes, po” ang matipid na sagot ng bagets.

Payag na si Regine na pasukin na rin ni Nate ang pag-aartista? “Ngayon lang ito kasi maliit pa siya, pero parang hindi naman din doon yung hilig niya.

“I’m glad na medyo aware siya sa industriyang ginagalawan namin ng tatay niya. It’s also good na alam niya na galing kami sa industriyang ito.

“Pero hindi ko masabi kung talagang ito ‘yung gugustuhin niyang gawin. For me, sana hindi, kasi parang iba yung gusto niya. Right now, ang mga hilig niya airplanes. He sings all the time, parang normal lang iyon sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s how I actually find him pag nasa bahay, sinusundan ko lang yung voice niya,” sey pa ng misis ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending