Erap hinahanda na si Jackie Ejercito sa pagsabak sa politika | Bandera

Erap hinahanda na si Jackie Ejercito sa pagsabak sa politika

Ervin Santiago - September 11, 2016 - 12:40 AM

JOSEPH ESTRADA

JOSEPH ESTRADA

TOTOO nga kaya ang kumakalat na balita na this early ay inihahanda na ni former president Mayor Joseph Estrada ang anak na si Jackie Ejercito para sa pagsabak nito sa mundo ng politika?

Kamakailan ay humarap si Jackie sa mga taga-Maynila at ilang matataas na opisyal ng lungsod para sa turn-over ceremony ng MARE Foundation na ginanap sa San Andres Sports Complex sa Maynila.

Isinalin na ni Dr. Loi Estrada ang pamamahala sa MARE Foundation sa kanyang anak.

Sa kanyang speech, sinabi ni Jackie na very positive siya na mas marami pa silang matutulungan sa mga susunod na taon kasabay ng mga bago nilang ilulunsad na proyekto. Inamin din niya na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang responsibilidad nu’ng unang i-offer sa kanya ang posisyon.

“I won’t think I will be able to do half of what my mom did for MARE Foundation. Pero naalala ko, ang laging sinasabi ng aking ama (Mayor Erap), ‘Mamamatay, mabubuhay si Erap, hindi makakabayad ng utang na loob sa masang Filipino.

“Kaya’t tinanggap ko ang tungkulin bilang Chairman ng MARE Foundation. Para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan,” sabi pa ni Jackie.

Itinatag ni Erap ang MARE Foundation noong 1996 noong siya’y Vice President pa ng bansa na pinamahalaan naman ng kanyang asawang si dating Sen. Loi.

Nililibot ng mga miyembro at opisyal ng MARE Foundation ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magsagawa ng medical mission sa pinakamahihirap na barangay sa bansa. Bukod sa medical assistance, tumutulong din ang MARE sa livelihood projects, scholarship para sa mga kabataan, artesian well distribution, at urban greening program.

Kasabay ng turnover ceremony ng MARE, pinangunahan din nina Dr. Loi at Erap ang panunumpa ng mga bagong talagang Board of Trustees, kabilang na ang asawa ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito, Vice Chairperson; Corina Ponce Enrile Yenko, Treasurer; at Maria Cristina Tantoco Morada, Corporate Secretary. Kasama rin sina Fr. Edward Lavin, Ma. Rowena Ejercito, Gabriel Ma. Lopez, Precy Mathay, Willin Chan, Evelyn Carbaollo at Benita Tayag.

Speaking of politics, hindi naman malayong sumabak din sa politika si Jackie dahil nasa dugo na nila ang pagiging public servant. At sa nasaksihan naming pakikisalamuha ng anak ni Erap sa mga taga-Maynila, mukhang nakuha nga nito ang karisma ng ama pagdating sa pagiging makamasa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending