NGAYONG araw, Sept. 10, ay 26th anniversary ng Bandera, ang tunay na pahayagan ng masang Pilipino.
Ang Bandera, sister publication ng Philippine Daily Inquirer, ay punong-puno ng mga relevant na mga balita, tsismis tungkol sa mga artista,mahahalagang impormasyon at walang takot na komentaryo ng mga kolumnista.
Maraming nag-aabang ng tips sa lotto, karera at hula sa horoscope.
Ang Bandera ay nangunguna sa sirkulasyon sa lahat ng mga tabloid sa Mindanao at Visayas.
Madaling makarating ang Bandera sa mga readers sa Visayas at Mindanao dahil may printing press ang diaryong ito sa Cebu at Davao.
Ang printing press ng Bandera sa Makati, Metro Manila ang nagsisilbi sa mga readers sa Luzon.
Gaya ng ibang kolumnista, ang inyong lingkod ay masuwerte na nabigyan ng column sa disenteng tabloid na ito (‘ Target ni Tulfo’ ang pamagat ng aking column, sa mga hindi pa nakakaalam) kahit na may column din ako sa INQUIRER.
Hindi kasi nakikialam ang pamilya Prieto, may-ari ng Bandera at INQUIRER at maging ng radyo DZIQ, sa malayang pamamahayag ng mga kolumnista kahit na kaibigan o kamag-anak nila ang nababanatan.
Basta disente at patas ang pamamahayag, hindi pakikialaman ng mga Prieto ang nilalaman ng editorial ng Bandera, INQUIRER at DZIQ.
Ang dahilan niyan ay – di gaya ng mga ibang publications – wala
kasing pinoprotekhang negosyo at kaibigan ang mga Prieto.
Halimbawa, hindi nakikialam si Sandy Prieto-Romualdez, isa sa mga mataas na opisyal ng INQUIRER Group of Companies, kahit na ang ilalabas na istorya ay makakasakit sa pamilya Marcos at mga Romualdez ng Leyte.
Ang napangasawa kasi ni Sandy ay si Philip Romualdez, pamangkin ng dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.
Si Imelda ay kapatid ng dating Philippine Ambassador to the US Benjamin “Kokoy” Romualdez na ama ni Philip.
Meron pa bang tatalo sa mga Prieto sa pagbibigay ng malayang pamamahayag ng Bandera, INQUIRER at DZIQ?
At kung nasampahan ng kasong libel ang mga reporters, editors at columnists ng kanilang media outlets, binibigyan ang mga ito ng mga Prieto ng libreng abogado de kampanilya.
Angat ang Bandera sa mga karibal nito na tabloid: May suweldo ang mga kolumnista.
Iilan lang sa mga tabloids ang nagbibigay ng suweldo sa kanilang columnists.
That’s because Bandera, as well as INQUIRER, columnists are professional or full-time journalists and not politicians masquerading as journalists.
Halimbawa, kapag ang isang columnist ng Bandera o INQUIRER ay nagtrabaho na sa gobyerno o nahalal sa isang elective position, automatic siyang tinatanggal bilang kolumnista.
That’s because Bandera and INQUIRER want to maintain their journalistic independence.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.