SA paggunita ng Eid’l Adha, o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim, idineklara ang araw ng Lunes bilang regular holiday.
At kapag ganitong holiday, ang mga employer sa pribadong sektor ay pinaaalalahanan na sumunod sa tamang pagpapasahod sa kanilang mga empleyado.
Ang regular holiday ay batay sa Proclamation No. 56, Series of 2016, na nagtatakda na ang 12 Setyembre 2016 ay isang regular holiday sa buong bansa bilang paggalang sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice), na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Setyembre 5.
Ito ay para na rin pagtibayin ang pagsasamahan sa pagitan ng mga Pilipinong Muslim at Kristiyano.
Ang nasabing pagdiriwang ng mga Muslim ay pagpapahayag ng paggalang sa pagsunod ni Ibrahim kay Allah at ang paggunita sa pagtatapos ng Hajj (Paglalakbay sa Mecca).
Ang patakaran para sa regular holiday ay ang mga sumusunod:
Kung hindi nagtrabaho ang empleyado; siya ay tatanggap ng 100 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa nasabing araw [(Arawang Sahod + Cost of Living Allowance) x 100%];
Kung nagtrabaho ng regular holiday, tatanggap ang empleyado ng 200 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa nasabing araw para sa unang walong oras [(Arawang Sahod + COLA) x 200%];
Para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime work), siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang oras ang kita para sa nasabing araw [(Orasang kita x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho];
Para sa trabahong ginawa sa regular holiday na araw din ng kanyang pahinga, siya ay tatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang kita na 200 porsiyento [(Arawang kita + COLA) x 200%] + [30% (Arawang kita x 200%)]; at;
Para sa trabahong mahigit sa walong oras (overtime work) ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw (Orasang kita x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).
Labor
Communications Office
Department
of Labor
and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.