Kakai sa bashers: Ang dami nilang sinasabi, ano kayo perfect?!
SINAGOT ni Kakai Bautista ang mga bashers na nagsasabing reyna raw siya ng mga asyumera at mga bitter sa mundo.
Sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, tinanong ang komedyana tungkol sa mga lalaking na-link sa kanya in the past. Una na nga riyan ang Thai actor na si Mario Maurer na nakasama niya noon sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” with Erich Gonzales.
Maraming nam-bash sa dalaga nang ma-link sila sa isa’t isa, parang hindi matanggap ng madlang pipol na pwede silang maging magdyowa ni Mario.
Ayon kay Kakai, matagal na silang hindi nag-uusap ni Mario, “Okay na ‘yun sa akin. Gano’n lang talaga tayo. Hindi ko alam kung may nagbabawal (makipag-usap sa kanya). ‘Yun ang bali-balita pero siguro gano’n talaga. Acceptance na lang. Pero ano, mabait kasi talaga siya.”
Tungkol naman kay Ahron Villena na balitang naka-MU niya, “Sobrang naging close talaga kami last year. Siguro meron talagang mga bagay na hindi pa naaayon sa ngayon. ‘Wag nating ipilit ‘yung mga kiyeme kung hindi naman talaga pwede o hindi pa naaayon.”
At para naman sa lahat ng nagsasabing palagi na lang siyang bitter kapag nasasawi sa pag-ibig, “Natatawa lang ako minsan kasi wala naman silang alam. Ang dami nilang sinasabi. At saka wala namang dumadaan sa heartbreak at heartache na hindi nagiging bitter. Ano kayo, perfect?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.