Duterte biglang bawi; itinangging minura si Obama; media sinisi
BIGLANG bawi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagmumura kay US President Barack Obama, sa pagsasabing hindi niya ito minura.
Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Indonesia, sinisi pa ni Duterte ang mga miyembro ng media sa umano’y maling balita.
“May sinabi ako pero not in relation to Obama. Sabi ko, ‘wag ninyo akong bastusin. Putang ina niyo. Bababuyin… ‘Yun man ang sinabi ko and you can review the tape,” sabi ni Duterte.
Nauna nang kinansela ni Obama ang kanyang pagkikipagpulong kay Duterte sa katatapos na Association of Southeast Asian Nation (Asean) summit sa Laos dahil sa pagmumura sa kanya ng pangulo ng Pilipinas.
Hindi rin sinipot ni Duterte ang Asean-US summit.
Muli ring sinisi ni Duterte ang mga miyembro ng media sa nangyari.
“Do not believe that. There was never any interview here. But kung nag-spin itong media. They can spin stories several times over and all lies,” ayon pa kay Duterte.
Sinisi rin ni Duterte ang Liberal Party (LP) sa pangyayari.
“Alam mo ganito ‘yan, itong mga yellow. May jaundice e. At itong mga taga-State Department, walang… at mabasa ninyo, when you see the Philippine news that they were trying to crucify me for the extrajudicial killings,” giit ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.