Bato:Diyos lamang ang nakakaalam sa posibleng pambobomba sa Maynila
INAMIN ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosoa na hindi matitiyak ng PNP na hindi mangyayari sa Metro Manila ang nangyaring pambobomba sa Davao City na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng mahigit 60.
“If you’re going to ask me how sure are we that bombings wouldn’t happen in Metro Manila, only God knows,” sabi ni dela Rosa sa isang press conference sa Camp Crame.
Iginiit naman ni dela Rosa na maging Central Intelligence Agency (CIA) ng United States (US) ay hirap na mapigil ang mga pag-atake sa sariling bansa.
“We are just hoping and praying. Do you want us to put a demarcation line in Davao or a wall like Berlin Wall to prevent terrorists from entering the city?” dagdag ni dela Rosa.
Idinagdag ni dela Rosa na hindi niya maipapangako na hindi malulusutan ang mga pulis.
“But what I can assure you, your PNP, military and the Philippine government (are) doing [their] best to address this problem,” ayon pa kay dela Rosa.
Nanawagan naman si dela Rosa sa publiko na iwasan na magpanic sakaling makatanggap ng bomb threats.
“Please don’t panic. Don’t forward these messages right away because this will cause panic to people especially those who have low threshold for fear. Kawawa naman,” ayon kay dela Rosa. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.