Pabuya para sa suspek na nasa likod ng Davao bombing itinaas na sa P3 milyon | Bandera

Pabuya para sa suspek na nasa likod ng Davao bombing itinaas na sa P3 milyon

- September 08, 2016 - 04:52 PM

julliane-davao-suspect-

ITINAAS na sa P3 milyon ang pabuya kapalit ng impormasyon para mahuli ang suspek na nasa likod ng pambobomba sa Davao night market noong Setyembre 2.
“I understand that the mayor has upped the reward,” sabi ni Davao City Public Safety and Security Command Center chief Benito de Leon, na dati ring Army general.
Nauna nang nag-alok si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng P2 milyong pabuya para sa makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang nasa likod ng pambobomba na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng mahigit 60 iba pa.

“Basta may maituro lang. Siguro ‘yung nagdala, ‘yun namana ng importante. Iisa lang naman ang tinuro na may gagawan so ‘yun ang target,” sabi ni de Leon.
Sinabi pa ni de Leon na nakatakdang ihayag ni Duterte ang pagtataas ng pabuya matapos siyang makipagpulong sa mga business group.
“The additional P1 million came from donors,” sabi ni de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending