INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na may pangalan na sila ng suspek na nasa likod sa pambobomba sa Davao City noong Setyembre 2 na kung saan tinatayang 14 ang namatay, samantalang 71 naman ang sugatan.
“We already know his true identity but cannot divulge his name yet while our manhunt operation is ongoing,” PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” sabi ni dela Rosa sa isang panayam sa media sa Batangas Port.
Idinagdag ni dela Rosa na miyembro ang suspek ng isang teroristang grupo, bagamat tumanggi na siyang isapubliko ang kinaaniban nitong grupo.
Nakatakdang bumisita si dela Rosa sa Mimaropa Regional Police Office sa Calapan, Oriental Mindoro.
Noong Miyerkules, inilabas ng pulis ang artist’s sketch ng lalaking suspek na nag-iwan ng itim na bag na naglalaman ng isang homemade bomb sa night market sa Roxas ave. Nakasuot ito ng itim na face mask.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.