Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:44 ng gabi. Ang sentro nito ay 132 kilometro sa kanluran ng Zamboanga City. May lalim itong 34 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagresulta ito sa paggalaw na may lakas na Intensity II sa Zamboanga City at Isabela, Basilan. Walang inaasahang napinsala ang lindol at wala ring aftershock, ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.