Anak ni Bistek binu-bully sa iskul dahil sa ‘drug issue’ | Bandera

Anak ni Bistek binu-bully sa iskul dahil sa ‘drug issue’

Julie Bonifacio - September 06, 2016 - 12:30 AM

herbert bautista

POLITICALLY motivated ang dahilan ng pagdikdik kay Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa usaping inuugnay sa kanya tungkol sa illegal drugs sabi ng ilang politiko and showbiz observers.

Kaya tama raw ang ginawa ni Mayor na naglabas na siya ng kanyang official statement ukol dito.

Sabi ni Mayor Bistek, “I am not and will never involve myself in the illegal drug trade. Anti-drug is my advocacy since I was 17 years old.”

Sinagot din ni Mayor Bistek ang akusasyon sa kanya na diumano’y pagbubulag-bulagan niya sa paggamit ng kanyang kapatid na si Konsehal Hero Bautista ng droga. Bakit daw hindi inaksyunan at pinatawan ng parusa si Hero.

“Hero is 48 years old, has his own family. He is independent from us. We barely see or talk to each other because we, as individuals, have our own set of lives and concerns,” paliwanag ni Mayor Bistek.

Ang nakakalungkot pa nito, we heard pati ang mga inosenteng mga anak ni Mayor Bistek ay nadadamay sa pilit na pagdidiin sa kanya sa usaping illegal drugs.

May nakarating sa aming balita na diumano ay binu-bully sa eskwelahan ang anak ni Mayor na si Harvey Bautista, huh!

Kung totoo ‘yan, dapat aksyunan agad ‘yan ng school authorities bago pa man lumala ang sitwasyon. Tigilan na rin ang pagbibintang at ang trial by publicity lalo na’t walang sapat na basehan ang mga nilalabas na impormasyon sa publiko laban kay Bistek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending