PH women’s chess team ginulat ang Georgia | Bandera

PH women’s chess team ginulat ang Georgia

Angelito Oredo - September 05, 2016 - 12:00 PM

NANGGULAT muli sa pagtala ng matinding upset ang Philippine women’s chess team habang nabigo naman ang kasamahan nitong men’s team sa magkahiwalay na resulta ng mga laban nito sa ikalawang araw ng isinasagawang 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.

Itinala ng 46th seed na women’s team ang matinding upset na panalo kontra sa seeded No. 4 na Georgia, 2.5-1.5, upang ipantakip sa nakakahinayang na kabiguang nalasap ng mga kasamahan nito na 53rd seed PH men’s team na nabigo sa 39th seed Paraguay, 1.5-2.5.

Nakipagtabla ang Woman Grandmaster candidate na si Janelle Mae Frayna (Elo 2281) kontra kay GM Nana Dzagnidze (Elo 2522) sa Board 1 habang itinala ni Jan Jodilyn Fronda ang pinakamaigting na panalo sa pag-upset kay GM Bela Khotenashvili (Elo 2463) sa Board 2.

Tanging nabigo sa PH women’s team ang unrated na si Christy Lamiel Bernales (Elo 2065) kay Woman International Master Nino Batsiashvili (Elo 2474) sa Board 3 bago itinala ni WIM Catherine Secopito (Elo 2119) ang isa pang matinding upset sa pagwawagi kay IM Salome Melia (Elo 2419).

Gamit ang itim na piyesa ay naitulak ni Frayna, na asam ang kanyang ikatlo at huling norm, sa tabla ang kanyang laban sa isinulong na Queen’s Gambit Opening habang sinandigan ni Fronda ang puting piyesa at Scotch Opening upang talunin sa loob ng 47 moves ang nakatapat na Grandmaster.

Kinailangan naman ni Secopito ang kabuuang 58 moves at Nimzo Opening upang itala ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa rekord attendance na torneo na nilahukan ng kabuuang 186 bansa.

Tanging nagwagi para sa men’s team ang nasa rekord na 23 sunod na paglalaro sa torneo na si GM Eugene Torre (Elo 2447) matapos biguin si Jose Fernando Cubas sa Board 3 habang nakipaghatian ng puntos sa Board 1 si GM Julio Catalino Sadorra (Elo 2560) para sa 1.5 puntos ng koponan.

Nabigo naman sa Board 2 si GM John Paul Gomez (Elo 2492) kontra kay GM Axel Bachmann (Elo 2641) at si GM Rogelio Barcenilla (Elo 2455) sa Board 4 kontra Zenon Franco Ocampos (Elo 2496).

Sunod na makakasagupa ng PH men’s team, na tangan ang kabuuang 5.5 puntos, sa Board 26 ang seeded 87th na Nigeria na may 4.0 puntos.

Makakasagupa naman sa Board No. 15 ng 46th seed na PH women’s team, na bitbit ang 6.5 puntos, ang 5th seed na India na bitbit nag kabuuang 7.0 puntos matapos ang dalawang laro.

Nasa ika-29 puwesto sa kasalukuyan ang PH women’s team habang nahulog sa pangkalahatang ika-50 puwesto ang PH men’s team dahil sa kabiguan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending