Pagbili ni Ryan ng bahay sa Vegas patunay na mas mayaman kay Juday
INILIHIM ni Ryan Agoncillo sa asawang si Judy Ann Santos ang biniling bahay sa Las Vegas, USA.
Bumiyahe ang mag-asawa last week at sa posts ni Ryan sa kanyang Instagram account, walang clue kung bakit sila biglang pumunta ng Vegas.
May kuha pa nga ang anak nilang si Lucho na isinisiksik ang sarili sa maleta, huh! Obviously, hindi nakasama ang pangalawa nilang anak sa kanilang US trip.
Natural, larawan ng kaligayahan si Juday nang makita ang bahay na binili ng asawa, huh! Mabubura na marahil ang tsismis na mas malaki ang kinikita ni Judy Ann kesa kay Ryan.
Napakaswerte ni Juday kay Ryan, di ba? Tahimik lang pero may mga pasabog palang itinatago ang Eat Bulaga host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.