Lagot ka Diego…Sofia Andres bagong pantasya ng mga estudyante
ANOTHER first time ay ang pagtatambal naman ng real-life lovers na sina Diego Loyzaga at Sofia Andres sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN nu’ng nakaraang Sabado.
Binigyang-buhay nila ang kwento ng dalawang matalik na magkaibigang hindi inakalang magkakainlaban sila sa isa’t isa.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Roselle (Sofia) at Jerome (Diego) noong high school days nila. Pero lumipas ang panahon at nagkaroon si Roselle ng boyfriend na hindi sang-ayon sa closeness na namamagitan sa kanila ni Jerome.
Ang lakas ng chemistry nina Sofia at Diego on screen kaya naman mainit din itong pinag-usapan sa social media. Ang ganda-ganda rin ni Sofia sa nasabing MMK episode kaya hindi nakapagtatakang mas dumami pa ang male admirers niya at nagpapantasya sa kanyang beauty, lalo na ng mga young students.
Nakasama rin sa episode ng longest drama anthology in Asia sina Yana Asistio, Michelle Vito, Alexa Macanan, Jane de Leon, Daisy Reyes, Eric Fructuoso, Bryan Termulo, Alex Diaz at Marlo Mortel sa direksyon ni Raz dela Torre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.