Mahindra mapapalaban kontra Rain or Shine | Bandera

Mahindra mapapalaban kontra Rain or Shine

- September 02, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Phoenix Petroleum vs Star
7 p.m. Mahindra vs Rain or Shine
Team Standings: TNT KaTropa (7-1); Barangay Ginebra (6-2); Mahindra (6-2); San Miguel Beer (6-2); Meralco (5-4); Phoenix Petroleum (3-4); Rain or Shine (3-4); Alaska (3-5); GlobalPort (3-5); NLEX (3-5); Star (1-6); Blackwater (1-7)

TIYAK na masusubok ngayon ang tatag ng Mahindra Enforcers sa pagsagupa nito sa Rain or Shine Elasto Painters sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kasalo ng Mahindra sa pangalawang puwesto ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer na pawang may 6-2 panalo-talong baraha.

Nahulog naman sa 3-4 kartada ang Rain or Shine matapos na mabigo sa huling dalawa nitong laban kontra Barangay Ginebra (87-101) at GlobalPort (99-101).

Gayunpaman, hindi pa rin dapat maging kampante ang Enforcers laban sa Elasto Painters dahil may kakayahan pa rin itong bumangon at makabawi sa pagkakalubog.

Galing ang Mahindra sa maigting na 107-104 panalo laban sa nangungunang TNT KaTropa noong isang linggo.
Patuloy na aasa ang Mahindra kina L.A. Revilla, Paolo Taha, Michael Vincent Digregorio, Niño Canaleta at ang masipag nitong import na si James White.

Ang Rain or Shine ay sasandig kina Beau Belga, Paul Lee, Gabe Norwood, Chris Tiu at ang bagong import nito na si Jason Forte.

Sa unang laro dakong alas-4:15 ng hapon ay magtatapat ang Phoenix Petroleum at ang naghihingalong Star Hotshots.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending