Department of Sports isinusulong na sa Kamara | Bandera

Department of Sports isinusulong na sa Kamara

Angelito Oredo - September 02, 2016 - 12:00 PM

ITINUTULAK na ng House Committee on Youth and Sports Development ang pagbubuo sa Department of Sports (DoS).

Ito ang naging punto ng diskusyon sa naging mainit na unang araw ng isinasagawang top-level consultative meeting on development for Philippine Sports and set-up of Philippine Sports Institute sa Kachina Room ng Century Park Sheraton kahapon.

Magkakasunod na nagbigay pahayag ang mga kongresista na sina dating taekwondo multi-medalist Monsour Del Rosario III, Michael Romero, Mark Aeron Samba at Conrado Estrella III na siyang Chairperson ng House Committee on Youth and Sports Development.

Gayunman, magkahiwalay ang pananaw ng Philippine Olympic Committee (POC) at mga mambabatas sa pagbuo ng DoS kung saan kinuwestiyon ni POC director Cynthia Carrion, na siya ring presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), ang pagbubuo sa DoS.

“Ano ba ang magiging kaibahan ng kasalukuyang set-up ng PSC at sa ninanais ninyong maisabatas na Department of Sports,” sabi ni Carrion.

Hindi rin naiwasan ang matinding kritisismo nang magbigay ng kanyang pahayag ang dating senador na si Nikki Coseteng na matinding pinasaringan ang buong pamunuan ng POC hinggil sa patuloy na pagbabawal sa mga atleta na lumahok sa iba’t-ibang torneo at hindi pagbibigay ng mga nararapat na insentibo sa mga kabataang atleta.

Hindi rin nakawala sa pagsasalita ni Coseteng ang mga kaganapan sa iba’t-ibang national sports association na patuloy na minamanipula ang pamunuan ng POC.

Matapos ang mainitang diskusyon ay nagpresinta naman ng ninanais na maging “Structures and Functions of the PSI” ang dating Hong Kong Sports Institute training director na si Mark Edward Velasco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending