Paano mag-claim ng ECC benefits? | Bandera

Paano mag-claim ng ECC benefits?

Liza Soriano - September 02, 2016 - 12:10 AM

PALAGI po akong nagbabasa ng inyong column na Aksyon Line at tunay ngang marami kayong natutulungan. May gusto lang po sana ako na itanong sa ECC kung paano po mag-claim ng benefits.

Kinakailangan pa po ba na mag-file ng benefits sa ECC office o sa SSS na lang po? Ang tatay ko po ay nagtatrabaho sa factory ng mga plastic at nagkaroon po siya ng sakit sa baga. May dalawang linggo rin na naospital at sabi po ng mga doktor ay nakuha ng tatay ko ang sakit niya sa kanyang trabaho. Sabi rin po ng kapitbahay namin may benefits din na makukuha sa ECC ang father ko. Gaano po ito katotoo o pwede pa po ba kaming mag file ng claim? Paano po mag-file ng claim at kailan po pwedeng mag-file?

Malaking tulong po ang makukuha namin pandagdag sa kanyang mga gamot. Sana sa pamamagitan ng inyong column ay masagot ang aking katanungan. Salamat po.

Eliza Javier
Blk 9 Phase 2,
Kaunlaran Village
Dagat Dagatan

REPY: Para sa iyong katanungan, Ms Javier. Kung may kinalaman sa trabaho o work-related ang dahilan ng pagkakasakit ng father mo, saklaw siya ng benipisyo sa ilalim ng Medical benefits o Loss of Income benefits.

Medical benefits
Kasama rito ang pagsasauli ng nagugol na gastos sa mga gamot para sa sakit o pinsala, mga bayad sa pangangalagang medikal , pangangalagang ospital o kaya ay surgical expenses.

Kasama din dito ang mga gastos na mga kasangkapan at supplies kung saan kinakailangan.
Ngunit ang mga serbisyong medikal ay limitado sa ward services ng isang accredited hospital.
Lost of Income benefits –

Ito ay ang paggawad ng pera sa isang manggagawa upang bumawi para sa nawalan niyang kita sa kawalan ng kakayahang magtrabaho.

Saklaw nito ang Temporary Total Disability (TTD) na kung saan ang isang manggagawa na hindi pa makapagtrabaho ay makakatanggap ng P200 bawat araw na may maximum na 120 days

Maaring mag-file ng claim ang sinumang kinatawan ng manggagawa sa SSS, para sa pribadong sektor, at sa GSIS naman ang pampublikong sektor.

Paano mag-file
Punan ang mga form na biniga ng GSIS o SSS at ilakip ang mga kinakailangang dokumento.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Executive
Director
ECC

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending