Sigaw ni Vice sa pagdawit sa kanya sa drug list ni Duterte: Ang cheap!
“CHEAP!” Sigaw ng Phenomenal Star na si Vice Ganda noong kunin namin ang kanyang reaksyon sa pagsasangkot sa kanyang pangalan sa usaping drugs sa showbiz.
Lumabas ang pangalan ni Vice sa news dahil binanggit diumano ng pusher ng mga artista na nagsalita sa isang radio program. Bukod kay Vice, sinabi rin daw nu’ng pusher sa showbiz ang pangalan ng kapwa hosts ni Vice sa It’s Showtime na sina Anne Curtis at Billy Crawford.
Other than the word “cheap,” hindi na nagbigay ng anumang pahayag si Vice. Sandali naming nakausap ang TV host-comedian sa backstage ng Showtime kasama ang iba pang hosts ng show at ang members ng Hashtags na sina Mccoy at Jimboy.
NR (no reaction) naman sina Anne at Billy sa isyu. Mukha bang nagda-drugs sina Anne at Billy? Keri pa kaya nilang mag-drugs with their daily noontime show at iba pang karaketan?
Ayon naman sa ibang showbiz insiders, kaduda-duda na tila mga host lang ng Showtime ang nasa headline tungkol sa kontrobersyal na drug list daw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Anyway, sa Huwebes nakatakadang umalis ng bansa si Vice para sa ASAP show sa New York. Special request pala sila ni Coco Martin ng mga Pinoy doon kaya kahit malapit na rin ang deadline ng submission for their 2016 MMFF movie, go pa rin sila sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.