Derrick Monasterio gustong magpaka-superhero para kay Jessy
NA-MEET na pala ni Derrick Monasterio ang crush niyang si Jessy Mendiola.
“Crush ko po talaga ’yon. I’ve met her before sa isang pictorial. Nagpakilala po ako pero wala ng hanash. Nahiya po ako. Ngumiti naman siya,” chika ni Derrick sa presscon ng “Oh, Boy!” concert with Aljur Abrenica, Jake Vargas and Rocco Nacino on Sept. 23 sa Music Museum.
“Sexy, eh. Iba ’yung dating niya. Kasi ang gusto ko sa babae medyo mataba, medyo malaman. Marami (ang katulad niya) pero siya ang pinaka-nag-standout, eh,” dagdag pa niya.
For him deserve ni Jessy ang FHM title at handa siyang ipaglaban ang dalaga.
“Deserve, deserve talaga. More than deserving siya. Gusto ko siyang ipagtanggol, eh. Sa mga namba-bash sa kanya, sobrang deserve niya ang title (sexiest woman). Isa siya sa mga pinakamagandang girls inside and out. Parang gusto ko ngang gumawa ng fake account at sabihin na itigil na ninyo ‘yan. Fan boy lang (ang peg)!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.