Makapag-aasawa pa kaya? | Bandera

Makapag-aasawa pa kaya?

Joseph Greenfield - September 02, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ashley ng Facebook
Dear Sir Greenfield,
Magandang araw po. Ako po ay humihingi ng solusyon sa aking problema. Wala po kasi akong boyfriend sa ngayon, pero gusto ko na pong mag-asawa. Sa edad ko po kasing 30 ay natatakot ako na baka tumandang dalaga ako. Lima po kaming magkakapatid, at pang-apat po ako. Ang dalawa kong kapatid ay may pamilya na. Kaya tatlo na lang kami ng ate ko at ng bunso na wala pang asawa. Alam nyo, Sir Greenfield, sa totoo lang natatakot ako, kasi both side ng parents ko ay may mga tumantandang dalaga. Iniisip ko tuloy na baka nalahiin din ako ng hereditary traits na iyon. Kaya sana malaman ko po kung makapag-aasawa pa ba ako? Mami-meet ko na po ba ang soul mate ko this year or next year? January 20, 1986 po ang birthday ko.
Umaasa,
Ashley ng Facebook
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May guhit ka naman ng Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.). Iyan ang guhit na kapag tinagilid ang palad ay kitang-kita. Ito ang guhit na nakapahalang sa ilalim ng daliring hinliliit. Kapag may ganyang kang guhit kahit medyo maliit lang (arrow 1.) walang duda, makapag-aasawa ka.
Cartomancy:
Queen of Spades, Two of Clubs at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dahil hindi ka masyadong friendly o dili naman’y dahil sa pagiging mapili ay hindi ka makapag-asawa. Ngunit ang mabuting balita, mula sa taong ito ng 2016 hanggang 2017, sa edad mong 30 pataas, isang lalaking halos kasing edad mo rin o kaya’y mas matanda sa iyo ng konti ang darating.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending