Gen. Bato kinontra si Robin: Kailangan po maging transparent tayo sa lahat!
KINONTRA ni PNP Chief Police Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang suggestion ni Robin Padilla na magkaroon muna ng dialogue sa pagitan ng mga artistang sangkot sa droga at ng pamahalaan bago sila pangalanan.
Ayon kay Bato, kung tatanggapin nila ang request ni Binoe ay magiging unfair naman ito sa iba, lalo na sa mga politiko at pangkaraniwang mamamayan ng bansa na napangalanan na.
Sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV, sinabi ni PNP chief, “Ay, hindi na tayo fair diyan sa lahat, di ba?
“E, selective na itong ating naging kampanya. Kailangan maging transparent tayo sa lahat,” sabi pa ni Gen. Bato.
Nagbigay pa ng payo ang official ng PNP sa mga taga-showbiz na posibleng sangkot sa ilegal na droga na mas magandang personal na silang magtungo sa istasyon ng pulis para linisin ang kanilang pangalan.
Kamakailan, nagkaroon na ng voluntary drug testing ang Star Magic kung saan nag-negatibo nga sa paggamit ng illegal drugs sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga at Enrique Gil. Nu’ng isang araw ipinost pa nina Luis Manzano at Baron Geisler ang negative result ng kanilang pagpapa-drug test.
Anytime naman ay handang magpa-drug test ang iba pang talent ng ABS-CBN tulad nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, James Reid, Nadine Lustre at iba pa. Willing ding magpa-test ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at iba pang artists ng GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.