Sosyalerang aktres pwedeng-pwede ring magpaka-jologs | Bandera

Sosyalerang aktres pwedeng-pwede ring magpaka-jologs

Cristy Fermin - September 02, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

GINAGAWA lang na Quiapo ng isang pamosong aktres ang iba-ibang bansa. Wala siyang kapaguran sa pagbibiyahe. Madalas ay nag-iisa lang siya, kung minsan naman ay magkasama sila ng kanyang milyonaryong karelasyon, jetsetter talaga ang magandang aktres.

Pero impernes, walang maririnig na kahit anong hindi kagandahang chika tungkol sa popular na aktres mula sa mga kababayan nating nakakaengkuwentro niya sa pagbibiyahe, pinupuri siya sa kahit saan.

Isang source ang nagkuwento, “Mabait kasi siya sa maliliit, hindi siya maldita, samantalang kilalang-kilala na siya. Kapag may lumalapit sa kanya para makipag-selfie, go lang siya nang go, wala siyang kaarte-arte!

“Nu’ng minsan ngang nakita niyang nagbubulungan ang mga janitor sa airport, e, siya pa ang nagtanong, ‘Gusto n’yo ba ng picture with me? Halina kayo, go!’

“Ganu’n siya ka-down-to-earth. Wala siyang pinipiling tao. Itabi mo siya sa mga sosyal at super-sosyal ang dating niya, kayang-kaya niyang makipagsabayan.

“Ihilera mo siya sa mga jologs at kayang-kaya rin niya ‘yun, jologs kung jologs din siya! Ganu’n siya kahit sikat na siya, kaya naman gustung-gusto siya ng mga kababayan natin,” kuwento ng aming impormante.

Kapag umaalis daw ang maganda at kilalang aktres ay isang maleta lang ang dala-dala niya. Parang hindi siya mangingibang-bansa, isang simpleng bag lang ang hila-hila niya, saka isang personal bag na branded siyempre.

Patuloy ng aming source, “Ang hintayin mo, ang pagbabalik niya! Kung isang maleta lang ang bitbit niya paalis, pagbalik ni ____ (pangalan ng sosyal at popular na female personality), siguradong ilampung kahon ang iniuuwi niya!

“Carry niya naman kasi ‘yun dahil madatung siya, kailangan niya ang mga stuff na ‘yun dahil paminsan-minsan, e, umaarte rin siya!

“Ikaw na ang nahihiga sa salapi, di ba naman? ‘Yun kaya ang dahilan kung bakit insecure na insecure sa kanya ang isang female personality na mismong kadugo niya?

“Bradly Guevarra, hindi mo siya hahampasin ng bareta ng sabon this time, promise!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending