Luis nagpa-drug test na rin: Negative | Bandera

Luis nagpa-drug test na rin: Negative

Cristy Fermin - September 02, 2016 - 12:25 AM

LUIS MANZANO

LUIS MANZANO

HINDI man kagandahan ang mga ginagawa niyang hakbang nitong mga huling panahon ay may ginawang tamang-tama at saktung-sakto si Luis Manzano.

Maraming naiinis sa aktor-TV host dahil sa mga ginagawa niyang pagtatanggol kay Jessy Mendiola, gamit na gamit kuno siya ng nagpapaseksing dalaga, kaya ang pagkainis kay Jessy ay bumabalandra rin kay Luis.

Pero iba ang naganap nu’ng isang araw lang, nagpa-drug test siya sa Camp Crame, negatibo ang aktor-TV host sa kahit anong uri ng ipinagbabawal na gamot.

Sumunod si Luis sa ginawang aksiyon ng Star Magic, sumailalim sa drug test ang may apatnapung artista ng ABS-CBN, hindi siya nakasama sa unang batch dahil sa kanyang masikip na schedule.

Pero wala nang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Luis, PASSED ang nakuha niyang marka sa pagpapa-drug test, negatibo siya sa paggamit ng droga.

‘Yan ang magandang balita, hindi ang pakikipag-away niya sa mga bashers ni Jessy Mendiola, hindi ang pamemersonal niya sa mga taong hindi nagkakagusto sa kanyang girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending