Ang mahinang liderato ni Faeldon sa customs | Bandera

Ang mahinang liderato ni Faeldon sa customs

Ramon Tulfo - September 01, 2016 - 12:10 AM

NAPAG-ALAMAN ng karamihan na nakapanood kay Digong Duterte sa TV kahapon kung bakit siya’y mahal ng masang Pilipino.

Si Presidente Duterte, na sumalubong sa mga contract workers na na-stranded sa Saudi Arabia nang matagal na panahon, ay nagsabi sa mga dumating na OFW na puwede nila siyang lapitan kapag sila’y may problema sa pera.

Sa kanyang talumpati sa mga dumating na OFW, sinabi ng Pangulo na bukas ang Malacanang sa ordinaryong mamamayan.

Hindi ko alam kung kaya ni Digong na lutasin ang problema ng mga tao na walang pera dahil siya mismo ay simple ang pamumuhay.

Pero siya’y sinsero at nakikisalamuha sa mga mahihirap.

Nang siya’y mayor pa ng Davao City, mahilig siyang magdala ng mga kaibigan at bisita sa mga kainan na pinupuntahan ng masa.

Natatandaan ko pa nang ipinakilala ko ang aking kaibigang Kano na si Matt Grecsec kay Mayor Digong at dinala niya kami sa kambingan.

Inalok ni Digong si Matt ng papaitan. Hindi makatanggi ang Kano dahil sinabi ko sa kanya na baka mainsulto ang mayor kapag tinanggihan niya ang alok na sabaw.

Napatakbo si Matt sa comfort room ng restaurant upang doon ay sumuka.

Habang nasa CR si Matt ay tiningnan ako ni Digong at tumatawa ang kanyang mga mata.

“That soup tasted like shit, Mon,” sabi ni Matt nang kami’y pauwi na.

Nagtatagumpay ang Pangulo sa kanyang kampanya laban sa droga at ibang krimen, pero mukhang hindi niya naaasikaso ang corruption at inefficiency sa gobyerno.

Sa Bureau of Customs, kung saan laganap ang corruption, sinibak ni Commissioner Nicanor Faeldon si customs police Capt. Arnel Baylosis at tinapon ito sa Jolo port sa maling dahilan.

Hinuli ni Baylosis ang isang smuggled na kargamiyento ng sibuyas dahil sa utos sa kanya ni Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno na palabas ng bureau.

Inakusahan ni Faeldon si Baylosis na tumatanggap ng P100 milyon na lagay kada buwan sa mga smugglers.

Pinaratangan din ng customs chief si Baylosis na nangikil ng P100 mil-yon para mailabas ang seized smuggled shipment.

Imposible at nakakatawa ang P100 million na lagay kada buwan sa isang maliit na customs official na gaya ni Baylosis.

Kung totoo ito, bilyon-bilyong piso na ang tinatanggap kada buwan ng mga opisyal na mas mataas ang ranggo kay Baylosis gaya ng collector at commissioner.

Si Baylosis, ayon sa isang customs insider, ay petsi-petsi lang ang tinatanggap—mataas na raw ang P20,000—dahil maliit lang naman siya na opisyal.

Sino naman ang nagsabi kay Faeldon na tumatanggap si Baylosis ng P100 milyon kada buwan sa mga smugglers at humingi ng P100 milyon para ma-release ang nahuling smuggled na mga sibuyas?

Nakinig daw si Faeldon sa mga tsismis na kumakalat sa bureau na walang magawa ang mga empleyado at smugglers kundi mang-intriga at magpakalat ng tsismis.

Ang broker ng nahuling shipment ang bumulong kay Faeldon tungkol sa imposibleng istorya ng P100 milyon na tara.

Para raw uto-uto itong si Faeldon dahil madaling maniwala sa mga sabi-sabi.

Kung magpatuloy sa pagiging customs chief itong si Faeldon, magkakaroon ng malaking kulang sa collection ang pangalawang revenue collection agency ng gobyerno.

Ang Bureau of Customs ay kapos sa collection noong July ng P13
bilyon, pinakamalaking collection deficit sa kasaysayan ng aduana.

Mas malaki ang kakulangan sa collection sa August kapag nakalap na ang collection record.

Bakit mahina ang collection ng BOC sa ilalim ng pamamahala ni Faeldon?

Dahil hindi marunong magdala ng tauhan ang dating kapitan ng Philippine Marines Corps.

Ang estilo ng kanyang liderato ay hindi bagay sa isang civilian agency.

Ibig palitan ni Faeldon ang lahat ng collectors ng BOC ng mga bago at batambatang abogado na wala pang alam sa revenue collection.

Hindi pumayag si Finance Secretary Sonny Dominguez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa ginawa ni Faeldon, hindi na masigasig ang mga collectors sa kanilang trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending