'Dapat nang ibandera ang mga artistang sangkot sa droga!' | Bandera

‘Dapat nang ibandera ang mga artistang sangkot sa droga!’

Ronnie Carrasco III - September 01, 2016 - 12:30 AM

HATI ang opinyon ng maraming celebrity tungkol sa pagsisiwalat ng PDEA sa iniingatan nitong talaan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang hanay.

May sumasang-ayon sa napipintong hakbang ng ahensiya, at meron ding kumokontra. Kung opinyon namin ang hihingin, we are in favor of PDEA’s release of its drug watch list on the condition na sana’y dumaan ito sa masusing validation o pananaliksik.

The looming danger is that the list might not be updated kung saan maaaring ang mga artistang nasa listahan have long before kicked their bad habits and are now reformed individuals. Isa si Robin Padilla sa mga ‘di pabor na ilabas ng PDEA sa publiko ang listahan nito, isang pananaw na iginagalang namin whatever reason he has.

Pero ang hakbang nito kung saka-sakali ay walang ipinagkaiba noong pumutok ang pork barrel scam. Nakasentro lang kasi sa iilang pulitiko—most especially sa mga hindi kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino—ang mga umano’y pangunahing sangkot sa naturang alingasngas.

Soon after, other politicians—in and no longer in office—had been named. Ito’y makaraang mistulang ginawang blind item noong umpisa ang kanilang pagkakakilanlan turning the whole guessing game into a carnival of cynicism and tension.

Kami man siguro’y mababalisa thinking that perhaps at one point in our political career ay nakatransaksiyon namin—directly or indirectly—si Ginang Janet Napoles o sinuman sa mga kinatawan nito. And the only way to appease us ay ang sige na, pangalanan n’yo na, ilabas na ang dapat ilabas, let the world know and let justice take its course.

With the PDEA’s release of its drug list comes a sense of liberation mula sa mapanghusgang lipunan na siya ring makakahinga nang maluwag knowing that the Duterte administration means serious business when it comes to addressing the drug menace sa ating bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending