TATAHAK ng panibagong direksiyon sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Ito ay matapos na makapag-uwi ng pilak na medalya ang weightlifter na si Hidilyn Diaz sa 2016 Rio De Janeiro Olympics
Ayon kay UAAP Season 79 president Fr. Ermito De Sagun, OP ng host University of Santo Tomas, tutulong ang liga sa pagtatayo ng Philippine Sports Institute at masterplan para sa sports ng bansa.
“The Rio Olympics experience has somehow make us not just think of basketball being the main sports, it has sort of open for us with new possibilities,” sabi ni De Sagun.
Tinutukoy ni De Sagun ang sports na weightlifting kung saan nagawa makapag-uwi ng pilak na medalya ang pinakaunang babaeng Olympian na si Diaz.
“It has somehow left us think of other sports where we had the chance of winning medals,” sabi pa ni Sagun.
Hindi isinasagawa ang sports na weightlifting sa UAAP habang nakatuon ang atensiyon ng liga sa larong basketball na lagi nitong itinatampok sa tuwing pagsisimula ng liga.
“That is why the host University of Santo Tomas deviates from the usual practice as we ushers the UAAP Season 79 with a ballroom competition and a concert party at the UST campus,” sabi ni De Sagun. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.